Cardinal Tagle, May Laban sa Pagiging Santo Papa

UMAASA ANG mga Pinoy sa Roma na Pinoy cardinal ang mapipiling susunod na Santo Papa.

Ayon kay Rodora Villegas, isang OFW sa Italya, mara-ming mga Pilipino at ilang Italyano ang nagpahayag ng kanilang kagustuhan na mapipiling Santo Papa si Luis Antonio Cardinal Tagle bagama’t siya ang pinakabata.

Sinabi ni Villegas na ang pangalan ni Cardinal Marc Ouellet ng Canada na siya namang nangangasiwa ng Vatican’s Office for Bishops ang nangingibabaw na usap-usapan na pinagpipiliang papalit kay Emeritus Pope Benedict XVI subalit hindi rin nagpapahuli si Tagle.

Samantala, ilan aniyang Italyano ang nakausap ni Villegas na nais din nilang Pinoy ang susunod na Santo Papa.

Ayon pa kay Villegas, sa Martes na magsisimula ang conclave at sa umaga ay magkakaroon ng isang misa bago simulan ang conclave sa dakong hapon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.