Carandang, Nagbitiw sa Liit ng Suweldo

NAGPAPATULOY RAW ang trabaho at kasalukuyang istruktura ng Communications Group matapos ang ginawang pagre-resign ni PCDSPO Sec. Ricky Carandang.

Ayon kay Pangulong Noynoy Aquino III na ‘move on’ na, dahil marami pang misyon ang dapat gawin.

Sinabi ng Pangulo na wala siyang nakikitang dahilan para magpatupad ng reorganisasyon sa Comm Group dahil sa loob daw ng mahigit tatlong taon ay naging maayos naman ang ugnayan ng mga kasapi nito.

Bagama’t pinag-aaralan, hindi pa naman daw kaila-ngang ibalik ang Office of the Press Secretary (OPS) sa paniwalang walang palpak bagkus gumagana ang kasalukuyang sistema o istruktura.

Base sa naging pahayag ni PNoy, may kinalaman sa suweldo ang rason ni Carandang dahil 40 percent lang ng kanyang P95,000 na buwanang sahod ang naiuuwi dahil sa mga deduction gaya ng buwis.

Nauunawaan naman daw ito ng Pangulo at kanyang pinasalamatan ang pagseserbisyo ni Carandang sa nakalipas na ilang taon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.