Carandang, ‘Di Magre-Resign

ITINANGGI NI Secretary Ramon “Ricky” Carandang ang lumabas na ulat na balak na nitong magbitiw bilang head ng Presidential Communications Development Strategic Planning Office (PCDSPO).

Ayon kay Carandang, walang katotohanan ang nasabing report sa pahayagan na aalis na siya sa gabinete ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Napabalitang papalitan ni Silvestre Afable Jr. o Manuel “Manolo” Quezon lll si Carandang.

Samantala, sa kanyang Twitter account sinabi ni Quezon na wala itong katotohanan at ipinagmamalaki nitong maging deputy ni Carandang.

“FYI @rickycarandang leads @pcdspo with courage, dedication, integrity, and wisdom. Proud to be his deputy as we strive to serve President.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.