Carabuena, Ipinaaaresto ng Korte

IPINAAARESTO NG Quezon City Metropolitan Court Branch 42 si Robert Blair Carabuena na nanapak ng isang traffic constable noong Agosto 2012.

Nag-ugat ang naturang warrant of arrest sa hindi pagsipot ni Carabuena at ng abogado nito sa arraignment sa kanya kaugnay ng kasong direct assault upon a person of authority nang saktan nito si Metro Manila Development Authority (MMDA) traffic constable 2 Saturnino Fabros.

Base sa salaysay ng kinatawan ng law office ng abogado ni Carabuena, may sakit ang kanilang kliyente kaya hindi nakarating sa korte habang may ibang lakad naman ang abogado nito.

Inihirit na lamang ng mga ito na mai-reset ang pagbasa ng sakdal ngunit hindi pinagbigyan ng kor-te.

Sinabi ni Presiding Judge Juris Callanta na walang legal na basehan para ipagpaliban ang arraignment dahil sa umano’y sakit ng akusado.

Samantala, bukod naman sa warrant of arrest, itinaas na rin sa P24,000 ang piyansa para kay Carabuena at pinagpapaliwanag din ang abogado sa hindi nito paghsipot sa korte.

Itinakda naman ng korte ang arraignment sa Marso 7, ganap na alas-8:30 ng umaga.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.