Car manufacturer exec, tumalon sa condo, tigok

PATAY ANG isang opisyal ng Citimotors Philippines makaraang tumalon mula sa ika-10 palapag ng condominium unit nito sa Salcedo Village, Makati City.

Kinilala ni SPO1 Jason David ng Makati City PNP ang tumalon sa building na si Cesar Genato, vice-president for finance ng naturang kum-panya.

Dahil sa lakas ng pagbagsak, nawasak ang tinamaan nitong canopy at dumiretso siya sa ground floor.

Nabatid naman na mag-isa lang na nakatira sa condo unit si Genato.

Samantala, sinasabing may mabigat na problema ang biktima ngunit hindi na ito idinetalye ng kanyang mga kaanak.

Sinabi naman ng driver nito na si Martk Anthony Asen na nagsimba muna ang kanyang amo bago sila umuwi kaya nagulat siya nang mabalitaan ang insidente.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.