Canonization ni Calungsod, National Day of Celebration

IDINEKLARA NG Palasyo na isang “National Day of Celebration at a day of great spiritual joy and national pride” ang paghirang kay Blessed Pedro Calungsod bilang bagong santo kahapon, Oktubre 21.

Sa ilalim ng Presidential Proclamation 481, isang malaking kara-ngalan para sa bansa ang pagkakaroon ng ikalawang Pilipinong santo.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte kamakalawa, dapat ipagmalaki at ikagalak, hindi lamang ng mga Katolikong Pinoy, kundi lahat ng kumikilala sa ating bansa bilang kanilang tahanan, ang nakatakdang paghirang kay Pedro Calungsod bilang isang santo.

Bagama’t hindi nakadalo ang Pangulong Aquino sa Roma para saksihan ang pagkakahirang kay Calungsod bilang bahagi ng Canon of Saints ng Simabahang Katolika, pinangunahan naman ni Vice-President Jejomar Binay ang delegasyon ng may 5, 000 debotong Pinoy.

Kasama ng bise-presidente si Energy Secretary Jose Almendras at mga matataas na pinuno ng Simbahang Katolika ng bansa sa seremonya na ginanap sa St. Peter’s Square na pinangu-ngunahan ni Pope Benedict XVI.  (PARAZZI REPORTO-

RIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.