Canadian in, German out Titser, bugbog-sarado sa nanay, tatay at kuya

BUGBOG-SARADO ANG ISANG 23-anyos na titser matapos itong pagtulungang bugbugin ng kanyang sariling magulang at kapatid, nang magpaalam ang una sa kanyang magulang na makikipag-live in na ito sa German national niyang boyfriend na ikinagalit ng mga huli kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Halos sariwa pa ang mga sugat at pasa sa katawan nang tumungo sa tanggapan ng Caloocan Police ang biktimang si Precious Naturales y Calamaya, 23, dalaga ng Block 6, Lot 26, Emerald St., Celina Homes, Camarin, Caloocan City, upang pormal na magreklamo laban sa kanyang mga magulang at kapatid.

Ang mga suspek na nahaharap sa kasong Physical Injuries ay nakilalang sina Lea, nanay ng biktima; Alexis, 47, tatay; at Jasser, 24, kapatid at pawang mga residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng pamilya Naturales sa nabanggit na lugar.

Ayon sa biktima, mahinahon itong nagpaalam sa kanyang ina na makikipag-live in na ito sa kanyang boyfriend na German national at iwan na nito ang kanyang Canadian citizen na boyfriend.

Sa halip na makarinig ng payo mula sa kanyang ina, ay pinagtatalakan na ito, sinabunutan at pinagsasapak at tumulong pa sa pananakit ang tatay at kuya na dapat ay umawat ang mga ito.

“Gusto po kasi nila (mga suspek), ‘yung Canadian citizen, ayaw po nila ‘yung German kasi raw po matanda na sa edad na 60,” ani pa ni Precious.

Dahilan, upang tumungo sa nasabing himpilan ng pulisya ang biktima para ireklamo ang mga magulang at kapatid.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Canadian in, German out Titser, bugbog-sarado sa nanay, tatay at kuya

Leave a Reply

Your email address will not be published.