Campaign fund sources at expenses, imo-monitor na ng BIR

NAKIKIPAGTULUNGAN NA rin ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagmo-monitor ng election campaign sources at expenses ng mga kandito.

Sinabi ni BIR Commissioner Kim Henares noong Lunes na mahigpit nilang ipatutupad ang bagong regulasyon na dapat ay mag-issue ng resibo ang mga kandidato kaugnay sa mga natatanggap na donasyon maging sa mga ginagastos nila sa kampanya.

Sa bisa aniya ng isang revenue memorandum cir-

cular, kinakailangan nang mag-issue ng BIR-registered official receipt ang mga kandidato para sa parehong cash o in-kind donation. Dapat din aniyang may mga official receipt ang mga gagastusin ng mga kandidato at may withholding tax.

Bukod dito, sisilipin din aniya ng BIR kung may kakayahan ang isang donor na magbigay ng pera o in-kind sa partikular na kandidato at iimbestigahan kung siya rin mismo ay nagbabayad ng tamang buwis.

Ayon naman kay BIR Deputy Commissioner Nelson Aspe,  tulad ng mga ordinaryong negosyante na dapat ay nag-iisyu ng resibo, may kakaharaping parusa ang mga kandidatong hindi susunod dito.

Bagama’t Comelec aniya ang may kakayahang magdiskwalipika ng isang kandidato, may kapasidad ang BIR para sampahan ng kasong administratibo ang mga kandidatong hindi mag-iisyu ng resibo.

Ibinahagi rin ni Aspe ang ilan sa mga bagong batas kaugnay sa eleksyon ngayong taon.

Samantala, hindi pa matiyak ni Aspe kung sinu-sino na ang mga kandidato na nakahingi ng official receipt sa BIR.

Handa rin ang BIR na makipag-ugnayan sa Comelec hinggil sa campaign fund at expenditure.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.