Campaign contribution noong 2010 elections P112-M, Tinanggap ng Akbayan Party-List

UMABOT SA P112 mil-yong campaign contribution ang tinanggap ng Akbayan party-list noong 2010 national elections, kung saan P14 milyon dito ay nanggaling sa mga kapatid ni Pangulong Benigno Aquino III.
Batay sa statement of election contributions and expenditures na isinumite ng Akbayan, tumanggap ito ng kabuuang P112,183,000.00 mula Pebrero 9 hanggang Mayo 8, 2010.
Nanguna sa mga nagbigay ng donasyon si Kristina Bernadette Aquino na nagbigay ng P10 milyon. Tig-P2 milyon naman ang mula kina Maria Elena “Ballsy” Aquino Cruz at Victoria Aquino-Dee.
Nag-donate din ang kaibigan ng pamilya Aquino na si Margarita Juico at ngayon ay chairman ng Philippine Charity Sweepstakes Office ng P1 milyon.
P1 milyon naman ang mula kay Anti-Poverty Commission Chief Jose Eliseo Rocamora. Ang kasalukuyang kinatawan ng Akbayan na si Rep. Walden Bello ay nagbigay rin ng P1.4 milyon.
May kabuuang P69,440,770 ang nagsta ng Akbayan para sa kanilang advertisement sa ABS-CBN, GMA Network, TV5 at Tape Inc. Gumastos naman ang Akbayan noong 2010 elections ng umabot sa P112,174, 008.70.
Higit na mataas ang natanggap na contribution ng Akbayan kumpara sa iba pang patry-list gaya na lang ng Bayan Muna na mayroon lamang P1.26 milyon, Anakpawis na may P750, 000.00, Gabriela na may P1.7 milyon at Kabataan party-list na may P12.1 milyon.
Nahaharap sa mga petsiyon na naglalayong madiskwalipika sa nalalapit na eleksiyon ang Akbayan party-list.
(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.