Camp Crame, binulabogng “bomba”!

BINULABOG NG APAT na magkasunod na pagsabog, na “Wow Mali?” ang Camp Crame kahapon.

Ito ay nang “i-detonate” ang natagpuang travelling bag na kulay itim na pinaghihinalaang may lamang bomba.

Ayon kay Police Superintendent Remigio Gregorio, hepe ng Explosive Ordinance Disposal (EOD), water destractor ang kanilang ginamit upang sumabog ang isang kulay itim na bag na natagpuan sa sport complex ng Camp Crame dakong ala-1:25 ng hapon.

Aniya, alas 12:15 nang makatanggap sila ng tawag ukol sa isang bag na inabandona sa pagitan ng police clearance section at pedestrian line sa Gate 2 ng Camp Crame.

Bilang normal na proseso, aniya, ay nagsagawa sila ng imbestigasyon ukol sa may-ari ng bag at kung ilang oras nang iniwan. Nang walang makuhang detalye ay dito na isinakay sa EOD vehicle ang bag at dinala sa sports complex, kung saan ligtas na papasabugin upang matiyak kung ano ang laman at makaiwas sa maaaring idulot nito kung saka-sakali.

Maliit na water destractor ang kanilang ginamit kaya pinagdugtong-dugtong na umabot nga sa apat upang matiyak ang kaligtasan sakaling positibong bomba ang laman ng nasabing bag.

Nang sumabog ay “na-wow mali” ang mga awtoridad dahil mga damit panlalaki, tulad ng T-shirt, pantalon, pabango, brief at ilang pang personal na gamit ang laman subalit wala namang ID o pagkakilanlan ng may-ari.

“P’wede pong iniwan din (bag) para makagulo rin,” pahayag ni Gregorio. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.