Camille Prats, wala raw masama kung pormahan siya ni Sam Milby!

HINDI MAUBOS-MAISIP ni Camille Prats na gumanap na ina nina Heart Evangelista at Bianca King sa third generation ng Luna Blanca.

Say ni Camille, sobrang bata pa niya para gumanap na nanay nina Heart at Bianca. Sa paglabas nga raw niyang nanay nina Bea Binene at Barbie Forteza para sa second generation ng Luna Blanca, muntik na siyang mag-walk-out dahil ‘di niya ma-take na maging nanay ng dalawa. Bata pa raw siya para gumanap na nanay ng dalawang teenstar.

Kinumbinsi na lang siya ni Direk Dominic Zapata na kailangan ang role niya sa nasabing teleserye ng GMA-7 kaya napapayag, pero sa kundisyon na ‘di siya lalabas na ina nina Heart at Bianca sa pagpasok ng third generation ng serye.

Samantala, muling nilinaw ni Camille na walang katotohanan na si Sam Milby na ang nagpapasaya ng kanyang puso sa ngayon. Although, aminado naman ito na walang masama kung iibig siyang muli at kung pormahan siya ni Sam dahil binata naman ito.

Hindi naman siya nagde-deny na gusto niyang magkaroon muli nang iibigin. Pero ‘di pa raw nga-yon.

 

HINDI NAGING maganda sa ilang nakakita ang pagdating ni Alma Moreno sa Heritage Park, kung saan nagpa-interview pa raw ito. Bakit daw kailangan dumating pa at nagpa-interview ni Ness samantalang nandoon na si Zsa Zsa Padilla. Umaagaw pa raw ito ng atensiyon?

Pumalag naman ang nagmamahal kay Ness. Karapatan daw ni Ness ang magpunta at magbigay ng huling respeto sa Comedy King dahil siyam na taon din sila nagsama ni Mang Dolphy at naging bu-ngad nga ay si Vandolph.

Hindi naman kasalanan ni Ness na ma-interview siya sa wake ni Mang Dolphy dahil siya ang nilalapitan ng mga print media at mga TV crew para hingan ng reaction.

Sayang nga lang at hindi naitanong kay Ness kung totoo bang nag-back-out na siya sa pagtakbong senador sa 2013 election.

MARAMI ANG umaasa na darating din si Pilar Pilapil sa wake ni Mang Dolphy. Pero hanggang sa ilibing na ang Comedy King, walang Pilar na dumating na nagkaroon din ng relasyon sa Hari ng Komedya.

Mabuti na lang, dumating si Pia Pilapil na naging representative ni Pilar sa libing ng Comedy King last Sunday.

Mag-isa itong dumating, ‘di kasama ang ina na si Pilar, dahil nasa Cebu daw ang kanyang ina at ayaw na rin daw nitong umagaw ng eksena sa libing ng Comedy King, kaya hindi na ito dumalo.

Sabi ni Pia na sigurado raw na tatanungin siya ng mga press about her mom. Kaya nagpadala na lang daw ang mommy niya ng text message para ipabasa sa mga magtatanong kung bakit hindi ito dumalaw sa wake ng Comedy King.

Sa text message, nakikiramay si Pilar sa pamilya Quizon at nalulungkot siya sa pagkawala ng isang mahusay at napakabait na tao.

Sinabi rin ni Pilar sa mensahe na naging maganda ang samahan nila ni Dolphy noon, pero hindi ito tumagal dahil tinutulan ito ng kanyang ama. Sabi pa ni Pilar sa text  message, gumawa raw talaga ng paraan ang Daddy niya na paghiwalayin silang dalawa ni Dolphy.

Sabi naman ni Pia, ilang beses na rin daw nitong nakita si Mang Dolphy sa magkakahiwalay na okasyon, dahil kaibigan niya sina Eric, Epi at Ronnie. Nagpupunta raw siya sa bahay ng mga ito sa Blue Ridge noon, at sa tuwing makikita raw siya ng Comedy King ay lagi raw sinasabi nito na, “Kumusta na ang Mommy mo?”

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

5 thoughts on “Camille Prats, wala raw masama kung pormahan siya ni Sam Milby!

  1. pumayag nang maging nanay si camille nina heart at bianca kasi wala nang kukuha sa kanya bilang isang young actress. ang hitad talaga choosy pa hahahahaha

  2. NAKU SAM KUNWARI KA PA NA GUSTO MO C CAMILLE BAKA NMAN C JOHN PRATS NA BAKLA ANG GUSTO MONG KANTUTIN. BWAHAHAHAHAHAHAHAA

  3. If tutuo man ang rumor betweet Sam and Camille,Goodluck  na lang to both of them.I used to shipped Sam and Anne before.When they broke-up na hurt ako ng grabe.I was so affected.Sorry guys fan lang lol..But now , It seems Anne is Happy na w/ Erwan. So sana  Sam will find na rin someone na yung talagang mahal nya at hindi pang rebound lang.Sabi nga ni Anne sana Sam can find the happiness that he`s looking for.All the best for Sam and Anne na rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.