Camille Prats, inaming may malalang sakit ang asawa!

DESPITE STARTALK TX’S persistent efforts para kumpirmahin mismo kay Camille Prats ang balitang may matinding health problem ang kanyang asawa, laging ang tugon ng aktres ay “saka na, ‘pag handa na ako”.

Finally, the news is out on an entertainment website with Camille’s recorded sound bites, kung saan hindi man niya tuwirang tinukoy ang karamdaman ng kanyang mister na si Anthony Linsangan ay inamin niyang sumasailalim ito sa serye ng mga treatment. This much Camille can say, and the press owes it to her kung hanggang saan lang ang extent ng kanyang maaaring ibahagi lalo’t this is supposedly a family matter and is not for public consumption.

Whether her husband is confronted with a serious medical case or not, the least that we can do is to pray for the couple na harinawa’y malampasan nila ang pinagdaraanang pagsubok.

 

TIME HEALS ALL wounds, so goes (Sogo’s?) a line.

If we are privy to her romance ay ikalawang nobyo ni Jolina Magdangal ang musikerong si Mark Escueta, following her longest relationship with Bebong Muñoz. Late nineties ‘yon, kasagsagan ng kanilang pag-iibigan that the only thing seemed lacking was a church blessing, but there would always be a BUT to any relationship.

Perhaps, that’s the downside to long-engaged sweethearts. Kamukat-mukat mo, without the slightest hint that caused their breakup, hayun si Jolina taking out all her souvenir photos and mementos stacked during their happier times na isa-isa niyang sinusunog like a huge volume of garbage thrown into an incinerator.

Matagal-tagal ding proseso ng paglimot ang sinuong ni Jolens, it was not like a child’s game of shooting “jolens” (marbles) into a hole on the ground. Pruweba nga nito ang ‘di pagbanggit ni Jolina ng pangalan ni Bebong as though she were talking about a blind-itemed subject.

Pero panahon din ang nagsilbing gamot upang ganap nang isantabi ni Jolina ang “sakit” ng nakaraan, thanks to Mark, himself the best “prescribed medication” that healed her bruised heart, moreso pumped a greater hope of “romantic blood” running through her veins.

Having relegated all this to her past, nakakangiti nang binabanggit ni Jolina ang tungkol sa kanila noon ni Bebong, an obvious sign that she is now geared towards a fresh direction. More mature even to face the challenges of being the soon-to-be Mrs. Jolina Magdangal-Escueta with all the “dangal”.

 

IKALAWANG BAHAGI NGAYONG Miyerkules ang Face To Face barangay episode na Babaeng May Toyo At Utak-Mental, Ipinagpalit Sa Best Friend Na Barubal! set in Tala, Caloocan City. Kuwento ito ni Eddie Boy na biktima umano ng pananakit ng kanyang live-in partner na si Lily Ann kung kaya’t nahulog ang kanyang damdamin (at brief!) sa best friend nitong si Cherrylyn.

Abangan naman bukas, Huwebes, ang masalimuot na buhay ni Aling Teresita sa Inang Limang Beses Nabiyuda, Naghahanap Pa Ng Pang-anim Na Asawa! Ipauunawa ni Atty. Ben Acosta, asawa ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta, na ang buhay ay paikut-ikot lang: na ang biyenan ngayon ay minsan ding naging manugang; at ang manugang ay magiging biyenan din.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

One thought on “Camille Prats, inaming may malalang sakit ang asawa!

  1. Mabuti na rin na hindi sila Jolina at Bebong Munoz ang nagkatuluyan kasi para naman kasing gay tingnan si Bebong. May kaibigan ako dito sa States na nakapuna about his movement when he was once came out on TV with Jolina, ang sabi ng kaibigan ko, he said he is gay and he pointed out to me the way he moved na parang mannerism ng bakla.

Leave a Reply

Your email address will not be published.