Camille Prats, ibinuko na GF na ni John Prats si Isabel Oli!

PARANG SI Camille Prats na ang nagkumpirmang girlfriend na si Isabel Oli ng kapatid niyang si John Prats.

Kuwento ni Camille sa presscon ng bagong afternoond drama niya sa GMA 7 na Bukod Kang Pinagpala, siya raw ang nagpakilala kay Isabel sa kapatid niya.

Kuwento nito, nakita raw niya sa kuya niya na malungkot ito na wala pa siyang nakikitang babaeng para sa kanya.

Parang crush nga raw nito si Isabel kaya ginawan daw niya ng paraang magkakilala ang dalawa.

Ngayon ay nakikita raw niya ang kapatid niyang masaya na at tingin daw niya, si Isabel na ang babaeng hinahanap nito.

Sabi nga raw ni John sa kanya, iba raw pala kapag ang kapatid niya ang pumili.

Sinubukan ng Startalk na interbyuhin si Isabel tungkol dito, pero tumanggi ito. Ayaw raw muna niyang magsalita tungkol sa kanila ni John.

Pero ibinuko na rin ni Camille eh, kaya sila na nga siguro.

Sabi naman ni Camille, mas mabuting ang kapatid na lang daw niya ang sumagot tungkol diyan, dahil hindi naman maganda kung manggagaling pa sa isang babae.

Abangan na lang natin ‘yan!

 

NATUWA AKO sa bagong afternoon drama nitong GMA 7 na Bukod Kang Pinagpala dahil kasama ang inaanak kong si Mark Anthony Fernandez.

Ang dami ko kasing naririnig tungkol sa kanya na parang napabayaan na raw ang sarili.

Hindi pa rin mawala-wala ang isyung ‘di maganda kaya mabuti at nakikita ko namang nagtatrabaho na ito.

Hindi lang daw nakadalo sa presscon dahil nagkasakit ito pagkatapos niyang umuwi nang umaga na sa taping.

Kasi itong si Mark talaga, parang hindi yata sanay sa sunud-sunod na trabaho. Kaya kapag nabu-burn out siya, nagloloka-lokahan na.

Sana nga tuluy-tuloy na itong trabaho niya nang maayos. Baka mamaya magulat na lang ako, nagpapalit na ito.

Anyway, abangan na lang ito sa Lunes na papalit sa Sana Ay Ikaw na Nga na magtatapos na ngayong araw.

 

NAKU! HINDI pala matutuloy ang concert ng mga K Pop group sa Aliw Theater bukas.

Ito ‘yung Seoul Invasion na tinatampukan ng mga kilalang K Pop band galing Korea.

Sa March 22 na raw ito itutuloy, dahil dadag-dagan pa raw ng isa pang mas sikat na grupo.

Abangan natin ‘yan! ‘Yung mga nakabili ng tickets para sana sa show bukas, magagamit naman nila ‘yan sa March 22.

Makabibili pa kayo ng tickets sa lahat na SM outlets, at puwede rin magpareserba sa telepono 4702222.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Camille Prats, ibinuko na GF na ni John Prats si Isabel Oli!

  1. ANG MGA ARTISTA, IISA ANG GIMIK. MAGDE DENY ABOUT THEIR LOVELIFE, TAPOS PAG HIWALAY NA, DOON NA LANG AAMIN. MINSAN DI PA NGA AAMIN. JUICE MIO, KAILANGAN PA BANG MAGDENY SINA JOHN PRATTS AT ISABEL OLI? NAGDENY SI ISABEL SA PEP. PARA NAMANG MAY TUTUTOL SA DALAWA. EH WALA NGANG KEBER ANG PUBLIKO. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.