Caloocan vice mayor, hina-harass ng supporters ni mayor

 

PORMAL NA NAGSADYA sa Caloocan City Police si Vice Mayor Egay Erice para magpa-blotter matapos umanong hindi papasukin at harangin ng mga taga-suporta ng nakaupong alkalde upang dumalo sa lingguhang sesyon ng Sangguniang Panlungsod (SP) kahapon.

Sinabi ni Erice, ang pangha-harass sa kanya ng mga supporter ni Mayor Enrico Echiverri ay bilang tugon sa paghaharap niya ng reklamo sa tanggapan ng Ombudsman laban sa nasabing punong lungsod.

Kaagad na nagsadya si Erice sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Caloocan-PNP upang magpa-blotter hinggil umano sa ginawang panghaharang sa kanya ng mga tagasuporta ni Mayor Enrico Echiverri.

Aniya, dadalo sana siya sa sesyon na ginaganap tuwing Martes nang kanyang mapansin na naka-block ng steel bar ang kanyang palagiang dinadaanan na west side entrance ng City Hall.

Bukod dito, nagkumpulan umano sa main gate ang mga tagasuporta ni Mayor Echiverri na may dala pang mga placard na sumisigaw nang “’Wag kang papasok dito sa city hall, babatuhin ka namin!”

Upang makaiwas sa gulo at tensyon sa pagitan ng mga loyalista ng alkalde at bodyguard ni Erice sakaling piliting nitong dumalo sa sesyon, dumiretso na lamang sa presinto si Erice upang ipa-blotter ang pangyayari.

Wika pa ni Erice, ipinaalam na rin umano niya kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo ang insidente at humihingi na ito ng pahintulot na makapag-leave sa ginaganap na sesyon habang hindi pa napapalso ang ibinabang 60 days Temporary Restraining Order (TRO) ng Court of Appeals (CA) na nagpapahinto naman sa Suspension Order ng Ombudsman kay Echiverri.        (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.