Caloocan pugad ng kasamaan

WALANG PAKIALAM SI Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa mga lumalalang kaganapan sa hindi masugpu-sugpong mga illegal vices at kriminalidad sa kanyang nasasakupan.

Ayon sa isang nagnga-ngalang Mang Tomas na taga-Bagong Silang, Caloocan, talamak ang operasyon ng Jueteng at ang mga nagaganap na holdapan at patayan sa kanilang lugar

“Natutulog lamang sa pansitan at nagpapalaki ng tiyan si Echiverri dahil wala itong aksiyon sa mga kaganapan sa aming lugar,” wika pa ni Mang Tomas.

Sinabi pa ni Mang Tomas, halos araw-araw ay may natatagpuang biktima ng salvage na sinasabing mga holdaper at akyat-bahay, o kaya ay may kaugnayan sa pagtutulak ng bawal na droga.

Ang mga kaganapang ito ay nagpapakita lang na talaga umanong walang kakayahan si Echiverri para masugpo ang mga illegal vices sa kanyang lugar.

Puro pamumulitika umano ang ginagawa ni Echiverri sa kanyang administrasyon kaya hanggang ngayon ay lublob sa kahirapan at kasamaan ang nasabing lungsod na kanyang pinamumunuan.

Sinabi naman ng mga residente, ‘no pansin’ kay Echiverri ang mga bahay-aliwan, mga beer garden na nagpapalabas ng bold shows at torohan, at maging ang mga nagkalat na babae na parang karne na inilalako ang kanilang katawan na nagdudulot ng sakit na AIDS at STD.

Wika pa ng mga residente, lalong lulubog ang antas ng buhay ng mga taga-lungsod kung patuloy na kukunsintihin ni Echiverri ang mga illegal vices, kung saan mismong dalawa sa kanyang alipores na sina ME at RR ang mga operator umano ng Jueteng.   (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.