Caloocan Police, ‘di makapalag sa ‘Untouchables’

 

WALANG KAAKSIYUN-AKSIYON UMANO ang pamunuan ni Caloocan City Chief of Police Sr. Supt. Jude Wilson Santos at hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) na si Chief Insp. Rodrigo Soriano laban sa mga sinasabing “untouchables” Jueteng lords na pinangalanang sina Marck Echiverri, Russel Ramurez at isang Sherwin.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source, sina Santos at Soriano ay sanggang-dikit umano kay Mayor Enrico “Recom” Echiverri, kaya nagbubulag-bulagan ang dalawang nasabing opisyal ng PNP sa operasyon ng Jueteng sa kanilang area of responsibility (AOR).

Sinabi pa ng source na walang takot kung mangubra ng taya sa Jueteng ang mga kubrador kahit na may pulis na nakakakita sa mga ito.

“Hayagang pambabastos ang ginagawa ng mga kubrador ng Jueteng sa dahilang kahit may unipormadong pulis na nakakakita sa kanila, walang takot kung mangubra ng taya sa kanilang mga mananaya,” sabi pa ng source.

Idinagdag pa ng source na talaga u-manong hindi aaksiyon sina Santos at Soriano laban sa untouchable Jueteng lords na  sina Echiverri at Ramurez, dahil ang isa ay kapatid ng mayor, at ang isa ay mataas ang tungkulin sa Caloocan City hall.

Kaugnay nito, mariing binatikos ng mga residente ng lungsod sina PNP Dir. Gen. Chief Supt. Raul Bacalzo at NCRPO Chief Supt. Allan Purisima sa kawalan ng aksiyon ng mga ito sa paglaganap na naman ng Jueteng sa buong bansa. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Caloocan Police, ‘di makapalag sa ‘Untouchables’

  1. isa sa pinakamalas na city sa metro manila ang caloocan. hindi na nagkaroon ng mabuting mayor ng mga nagdaang panahon

Leave a Reply

Your email address will not be published.