Caloocan mayor Echiverri, suspendido!

SINUSPINDE NA ng Court of Appeals (CA) si Caloocan City Mayor Rico “Recom” Echiverri matapos na mapatunayang nagkasala ng Graft and Corrupt Practices hinggil sa hindi pagbabayad ng remmitances ng kanyang mga empleyado sa Government Security Insurance Services (GSIS).

Kaugnay nito, patuloy na nagmamatigas si Echiverri na nagsabing hindi siya aalis sa kanyang tanggapan bilang punong lungsod dahil hindi pa siya nabibigyan ng kopya hinggil sa naging desisyon ng CA.

Umapela naman si Vice Mayor Egay Erice kay Echiverri na bumaba na siya sa puwesto at igalang ang naging desisyon ng CA.

Sa ilalim ng batas, ang suspension order ay ipatutupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pamumuno ni Sec. Jesse Robredo na siyang magpapatupad ng suspension order.

Base sa nakapal na ulat, ilan sa mga tagasuporta ni Echiverri ay nagsasagawa ng barikada sa harap ng Caloocan City hall para harangin ang pagpapatupad ng nasabing order.

Ang pagkakasuspinde kay Echiverri ay nag-ugat sa hindi pagre-remit ng punong lungsod sa GSIS ng multi-milyong pisong buwanang kinakaltas sa mga kawani ng city government. Ito ay nagresulta sa hindi pagkakaroon ng mga benepisyo ng mga kawani, tulad ng salary loan at mga dibidendo.

Sa isinagawang Memorandum of Agreement sa pagitan ng GSIS at ng city government, inamin ni Echiverri ang hindi nai-remmit na P15.8 milyong remmitances.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.