Caloocan mayor Echiverri, makukulong

POSIBLE UMANONG MAKULONG si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri kapag nabigo itong maidepensa nang mabuti ang kasong Plunder na ipinagharap sa kanya ng kanyang bise alkalde sa Ombudsman noong nakalipas na linggo.

Ito ay base umano sa opinyon ng mga residente at mga kawani ng City hall na labis umanong nadidismaya sa mga napabalitang nagaganap na anomalya ng administrasyong Echiverri.

Nabatid kay Atty. Joni Gonzales, tagapagtanggol ni Bise Alkalde Egay Erice, kasabay ng pagsasampa ng Plunder case kay Echiverri ay isinumite na rin nila ang lahat ng klase ng ebisensiya sa Ombudsman.

Kabilang sa mga nakalap na ebidensiya ay mga papeles na nagpapatunay na may naganap na “hokus pokus” sa kontrata ng water supply sa pagitan ni Echiverri at South Movers Company.

Hinihinalang ang South Movers ay “dummy” lang at ginagamit para mamanipula ang allocated funds ng lungsod na umaabot sa P101 milyon kada taon ng isang sindikato na gu-magalaw sa city hall.

Hindi rin makita ang naburang kontrata sa nakalagay nitong address sa Reparo St., Morning Subdivision, Caloocan City, maging sa isa pa nitong address na ibinigay sa isa pang lugar sa lungsod.

Nabatid din na ang tubig na ginagastusan ng milyun-milyong piso ay kinukuha lang sa mga water hydrant ng Maynilad ng mga truck na may nakasulat na Mayor Recom Echiverri.

Ang pagnanakaw ng tubig ng sinasabing kumpanya na kinontrata ni Echiverri sa water supply ay nakunan at nadokumento ng ilang beses ng XXX ng ABS-CBN.

Ang demanda ni Erice, umaabot sa mahigit P400 milyon ang nawawala sa kabang-yaman ng Caloocan dahil sa maanomalyang transaksyon.  (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.