Caloocan Justice Hall, Nabulabog sa Bomb Threat

NAANTALA ANG isinasagawang mga pagdinig sa Caloocan City Justice Hall matapos bulabugin ang mga ito ng bomb threat sa tawag na natanggap ng isang empleyado, na may itinanim umanong bomba sa loob ng court room kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat na nakara-ting sa tanggapan ni P/Sr. Insp. Rolando Armendez, ng Special Weapon and Tactics (SWAT) Caloocan police, dakong alas-8 ng umaga, nakatanggap sila ng tawag mula sa Justice Hall ng Caloocan sa P. Burgos St., 10th Ave., na may bombang itinamin.

Kaagad namang rumesponde ang SWAT team. Sa ginawang pag-inspeksyon, limang pirasong 5-star na paputok ang naamoy ng sniffing dog sa loob ng isang court room sa ikatlong palapag.

Sinabi pa ng caller na nakatanggap siya ng tawag sa isang tao na ‘di nagpakilala at sinabing “May itinanim na bomba diyan sa justice hall, dahil walang kuwenta ang mga piskalya, dapat sa kanila pasabugin, kailangan pa bang may mamamatay na pulis, bago sila umaksyon?”.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo ay tinamba-ngan ng ‘di pa kilalang mga salarin si SPO1 Manolo Caoile, 42, nakatalaga sa Highway Patrol Group Caloocan Sattelite Office, ng Dagupan, Tondo, Manila, na kalalabas lamang ng Caloocan Justice Hall matapos samahan ang isang kaibigan sa pagdinig.

Makalipas ang tatlong oras, idineklara na rin ng mga awtoridad na negatibo sa bomba ang buong gusali at isang pananakot lamang ang natanggap mula sa caller.

May hinala rin ang pulisya na ang caller ay may galit sa isang piskalya na mayroon kasong hindi pa nareresolba na siya na ring tinututukan ngayong anggulo ng mga awtoridad.

(MARY H. SAPICO/ ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Caloocan Justice Hall, Nabulabog sa Bomb Threat

  1. Maybe there is someone that against to one of the official inside the Caloocan Justice hall. They should be aware in everything around them. They should be thankful that it’s not true.

    Mary from amortisseur VTT 

Leave a Reply

Your email address will not be published.