Caloocan CDRRMC, Nire-organisa

NIRE-ORGANISA NI Caloocan City Mayor Oca Malapitan kamakailan ang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC)upang mabilisang makatugon sa iba’t ibang uri ng kalamidad at makaangkop sa hamon na dulot ng climate change.

Matapos na pangunaha ang kauna-unahang command conference sa Kamaynilaan na dinaluhan ng mga opisyal ng lokal at nasyunal na ahensiya ng gobyerno, sinabi ni Mayor Malapitan na napapanahon nang muling buuin ang CDRRMC upang magkaroon ang lungsod ng maayos na sistema sa oras ng emergency at mga sakuna.

“Sa kaganapang ito, mas mapapadali nating maapurbahan ang mga plano at programa tungkol sa CDRRMC. Gayundin ang mabisang pagmo-monitor sa implementasyon ng ating disaster risk reduction and management plan sa layuning makasagip ng buhay at ari-arian,” wika ni Malapitan.

Sa ilalim ng Executive Order No. 002, pamumunuan ni Malapitan ang grupo bilang chairman kasama si City Adminstrator Oliver Hernandez bilang vice-chairman.

Miyembro naman dito ay ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na kinabibilangan ng Philippine National Police, Bureau of Fire and Protection, Philippine National Red Cross-Caloocan, Malabon, Navotas Chapter, Department of Education at Metro Manila Development Authority.

Kabilang din dito ang tanggapan ng secretary to the mayor, mga namumuno sa planning, social welfare and development, city healh, enggineening, public safety and traffic management, rescue unit, public information office at information technology services bilang mga miyembro.

 (ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.