Caloocan CBD, itatayo

INIHAYAG NI Caloocan Mayor Oscar Malapitan nitong Martes na may plano nang magbuo ang lokal na pamahalaan ng dalawang Central Business Districts (CBDs) na magpapasigla ng ekonomiya ng lungsod.

Sa kanyang ika-“100-araw” na talumpati na ginanap sa University of the East-Caloocan, sinabi ni Mayor Malapitan na may nakita na silang dalawang lugar na maaaring pagtayuan ng mga CBDs upang makahikayat ng mga mamumuhunan.

“Ang City Planning ay nagsasagawa na ng mga pag-aaral para magkaroon ng Central Business District ang ating siyudad na itatayo sa may 5th Avenue at sa Congressional Road,” aniya.

Ang kahabaan ng Fifth Avenue ay konektado sa Circumferential Road-3 o C-3 Road at matatagpuan sa pagitang ng Road-10 sa Navotas City at Sgt. Rivera Avenue sa Quezon City, samantala, ang Congressional Road ay nasa Barangay 173, Bagumbong sa Caloocan North.

Inanunsyo rin niya na walang bagong buwis na ipapasa ang lungsod ngayong taon upang higit na maka-enganyo ng mga negosyante. Aniya, pagtutuunan na lamang ng pansin ng lokal na pamahalaan ang maayos na koleksyon ng buwis at pagbibigay ng tamang assessment.

“Nais kong maging business-friendly ang Caloocan City kung kaya’t sa aking unang taon ay hindi muna natin itataas ang taxes,” aniya.

Gayundin, makikipag-usap din daw ang pamahalaang lungsod sa mga taga-business sector hinggil sa iniutos nitong pag-rebisa ng City Revenue Code at at pag-update sa City Zoning Ordinance.

“Akin ding pinare-rebisa ang city revenue code at ang city zoning ordinance ay aking pinaa-update,” dagdag ni Malapitan.

(ROMAN MAGPOC)         

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.