Call Center, Binulabog ng Bomb Threat

BINULABOG NG bomb threat ang isang call center establishment sa Aurora Boulevard, Quezon City.

Pinalabas ang nasa 300 empleyado ng EGS Call Center sa commercial/ residential building ng SM matapos padalhan ng e-mail na nagbabanta ng pagsabog.

Sinabi ni SPO2 Joselito Fernandez, team leader ng rumespondeng EOD na base sa nasabing email ay may bomba na nakabalot sa plastik na dilaw.

Ngunit matapos ang paggalugad ng grupo, idineklara ng Explosive and Ordnance Division (EOD) na false alarm ang insidente.

Tanging mga baon lang umano ng empleyado ang nakita nilang nakaplastik na dilaw.

Samantala, balik na sa normal na ang operasyon sa naturang call center.

(PARAZZI  REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.