Call Center Agent Rape-Slay, May Suspek na

KINUMPIRMA NG pamilya ng pinatay na call center agent na alam na nila kung sino ang salarin sa natu-

rang krimen.

Sinabi ni Karen Buban na hipag ng biktimang si Mary Grace Buban na walang ibang puwedeng puntahan ang 29-anyos na single mother sa bayan ng Magarao, Camarines Sur, kung saan nakuha ang kanyang bangkay kundi ang lalaking itinuturing nilang suspek na umano’y kakilala ng biktima.

Tumanggi muna ang pamilya na pangalan ang salarin habang isinasagawa pa ang pagsisiyasat sa pangyayari.

Hindi naman mapigilan ng pamilya na maging emosyonal nang makita ang kalagayan ni Mary Grace na tatlong buwang buntis at may naiwan pang anim na buwang anak.

Samantala, una nang sinabi ng PNP na posibleng ginahasa muna ang biktima bago binaril sa kanyang batok at iniwan sa tabi ng kalsada.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.