Call center agent, patay sa aksidente

 

PATAY ANG ISANG call center agent makaraang mabundol ng sasakyan sa Bacolod  City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Tricia Abat, 38 anyos ng Talisay City at empleyado ng Transcom.

Ayon kay PO2 Orlando Caporal, traffic investigator ng Bacolod City Police, papasok na sana sa trabaho si Abat, alas-7:30, nang mabundol ng Mitsubishi L-300 van sa Araneta Highway.

Kulungan naman ang bagsak ng driver ng L-300 na si Leon Chio Go Ang, 50 anyos ng Barangay Tangub.

Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide ang tsuper. (EUNICE CALMA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.