Call Center Agent, Kritikal sa Boga ng Rider

KRITIKAL NGAYON ang kundisyon ng isang call center agent nang barilin ng isa ring rider matapos magalit ang huli nang hindi sinasadyang ma-cut ng biktima ang kanyang motorsiklo kamakailan sa Caloocan City.

Inoobserbahan pa sa Manila Central University (MCU) Hospital ang sanhi ng tama ng bala sa katawan ang biktimang si Nector Llarin, 35, ng Brgy. Tonsuya, Malabon City.

Base sa pahayag ng Caloocan City Police ng saksing si Europlyn Lopena, nangyari ang insidente dakong alas-9:50 ng umaga habang angkas siya sa minamanehong motorsiklo ni LLarin.

Pagsapit nila sa tapat ng PNB Bank sa kahabaan ng  EDSA Avenue ay tinabihan sila ng salarin na nagmamaneho din ng motorsiklo at  hindi sinasadyang ma-cut ito ng biktima kung kaya’t tumigil ang biktima sa gilid at bumaba din ang salarin sabay sabi sa una na “Ulupong ka hindi ka marunong mag-motor” at agad itong binaril.

Samantala, matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka habang dinala naman ang biktima sa nasabing pagamutan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.