Call Center Agent, Hinoldap ng 3 Naka-motorsiklo

HINDI UMUBRA ang galing sa taekwondo ng isang dalagang call center agent makaraang holdapin ito ng tatlong ‘di pa kilalang salarin kabilang ang isang babae at sakay ng magkakaibang motorsiklo kamakalawa ng madaling-araw sa Caloocan City.

Personal na nagtungo sa himpilan ng Caloocan Police ang biktimang si Maria Theresa Sia, ng No. 126 P. Gomez St., Brgy. 9, ng nabanaggit na lungsod, upang pormal na magreklamo.

Nagsasagawa naman ng follow-up investigation ang pulisya para sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip sa mga suspek na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Torres Bugallion St., ng nabanggit na lungsod.

Sumakay ng pedicab si Sia papasok sa kanyang trabaho subalit ilang segundo lang ang lumipas ay biglang lumitaw ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Isa sa mga ito ay may angkas na babae at siyang unang lumapit sa biktima at nagdeklara ng holdap at pilit na kinukuha ang dalang bag subalit tumanggi ito at nanlaban.

Dahil dito, isa sa mga suspek ang nagpaputok ng baril at sinuntok sa dibdib ang saka nagsitakas tangay ang cellphone at pera ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.