Call center agent, hinoldap at ginahasa sa Cebu

PATULOY ANG GINAGAWANG pagsisiyasat ng pulisya sa hindi nakilalang dalawang suspek sa pangho-holdap at panggagahasa sa isang call center agent sa Brgy. Paknaan, Mandaue City, Cebu.

Ang biktima ay 18-anyos na 2nd year college student na itinago sa pangalang Jona.

Habang naglalakad ang biktima ay bigla na lamang siyang hinarang ng dalawang kalalakihan at tinutukan ng patalim, ayon sa pahayag ni PO3 Gregorio Cabisare. Pilit umano siyang dinala sa isang garahe ng mga sasakyan at doon kinuha ang kanyang shoulder bag na may lamang cellphone.

Hindi pa umano nakuntento ang dalawa at ginahasa pa ang kaawa-awang biktima. Matapos ang krimen ay sumigaw umano si Jona dahilan upang mataranta ang mga suspek. Dali naman tumakbo palayo ang biktima sa nasabing lugar bitbit ang underwear at pantalon.

Tinulungan din siya ng mga residente sa nasabing lugar. Isinailalim na nila sa medical test ang biktima sa Vicente Sotto Memorial Medical Center at hinihintay na lang nila ang resulta ng test, ani Cabisare.

Ayon sa mga pulis, posibleng residente lamang sa nasabing lugar ang mga suspek. (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.