Calixto vs. Cuaton at collectors sa NPD

ANUMANG ORAS AY nanganganib na masibak sa Pasay City bilang Chief of Police si S/Supt. Napoleon Cuaton.

Ang masakit, hindi dahil sa kapalpakan kaya masisibak si Cuaton, kundi dahil siya ay epektibo at pala-kaibigan.

Katunayan, ang Pasay City ang may pinakamababang “crime rate” sa buong Metro Manila sa taong ito.At dahil kay Col. Cuaton kaya ang Pasay City rin ang may pinakamataas na “crime solution”.

Bakit sisibakin pa rin si Col. Cuaton? Ganito ‘yun, parekoy.

Gustong umiwas ni Mayor Antonio Calixto sa isyu ng sugal o illegal gambling dahil nga putok na ang balita na “close” sa alkalde ang mga gambling lord sa Pasay.

Dahil dito, nagpalabas kunwari si Mayor Calixto ng isang memorandum kontra sa iligal na sugal.Ang siste parekoy, tinuluyan nga ni Col. Cuaton at niratsada ang lahat ng iligal na sugal sa Pasay.

Meaning, nasaktan si Mayor Calixto dahil para siyang “sumilo” sa sariling utot! Hak, hak, hak!

Ang pangalawang kasalanan ni Col. Cuaton ay dahil naging kaibigan nito ang businessman na si George del Rosario.

Matatandaan na si Del Rosario ang iniulat na gumastos ng mahigit P100 milyon para manalo noon sa election at maging mayor si Antonio Calixto.

Ang kaso, nitong mga huling araw ay nagmistulang walang utang na loob si Mayor Calixto at kinalaban si Del Rosario.

At dahil nga kaibigan na ni Col. Cuaton si Del Rosario kaya umiinit ito lalo kay Calixto.

Tangnang buhay ito, parekoy, lumalabas na wala na ngang utang na loob si Mayor Calixto, galit pa sa hepe na nagtatrabaho!

P’we!

 

TULOY PA RIN ang ginagawang pangu-ngulekta sa mga iligalista sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela ng kilalang collector umano ng NPD na si P03 Cruz na nagre-remit naman umano sa isang Major Lleva.

Kaugnay nito, isang “Elmer” na may paihi sa Navotas ang nagyayabang na hindi kayang galawin ng kahit sino ang kanyang iligal dahil tuwing Martes ay nagbibigay siya ng sampung libo kay Cruz!

Gayundin ang Jueteng ni Ed Pineda sa Valenzuela ay walang tinag dahil sa weekly na ibinibigay nito sa nabanggit na collector na pulis.

Ipinangangalandakan rin ni Ed Pineda na “Gatchalian” ang nasa likod ng kanyang operasyon. Maging ang CIDG ay sumasabay na rin ng pangungulekta mula sa mga iligalista sa Camanava.

Ang nakukulekta ni Alvin ay ipinadadaan naman kay Arnel Cruz na siya umano ang nagpapaabot kay Gen. Sammy Pagdilao, Jr.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.