Calamity Loan P’wede Nang I-apply

SIMULA NGAYONG araw, maaari nang mag-apply ng kanilang emergency loan assistance ang mga Government Service Insurance System (GSIS) members na naapektuhan nang bagyong Labuyo.

Sinabi ni GSIS vice president for corporate communications Margie Jorillo na mahigit sa 10,000 mga kuwalipikadong kasapi ang maaa-ring mag-avail ng loan na mga residente ng walong mga bayan sa Aurora province, tatlong bayan sa Zambales at ang buong lalawigan ng Quirino.

Kabilang sa mga bayang ito sa Aurora ay ang Baler, San Luis, Maria Aurora, Dipaculao, Casiguran, Dilasag, Dinalungan, at Dingalan, sa  Zambales naman ay ang lugar ng Candelaria, Masinloc at Sta. Cruz.

Ang eligible members ay pwedeng umutang ng hanggang P20,000 at kanilang babayaran naman sa loob ng tatlong taon.

Inihayag pa ni Jorillo na niluwagan na rin ng GSIS ang terms ng kanilang programa, kung saan binawasan ang interest rate ng hanggang six percent, na-waive din ang one percent service fee, habang sisimulan na ang pagbayad ng amortization pagkalipas na ng tatlong buwan matapos na matanggap ang emergency loan.

Tiniyak rin ng GSIS pinakamatagal na ang isang linggo sa pagproseso sa mga loan.

Hindi na rin kailang magtungo pa sa mga opisina ng GSIS sa halip maaaring mag-apply ang mga kasapi o sa pamamagitan ng 18 mga kiosks na inilagay sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Maaari aniyang idaan na lamang nila ito sa GWAPS (GSIS Wireless Automated Processing System) gamit ang eCrad o kaya ang kani-lang UMID eCard.

Samantala, ang sinumang miyembro na walang eCard pero kuwalipikado namang mag-apply ay magtu-ngo lamang sa pinakamalapit na opisina ng GSIS.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.