Calamity fund sa Bulacan hinahanap

HINILING NG BULACAN Chamber of Commerce and Industry (BCCI) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na ibunyag sa publiko ang pinagkagastusan ng P93 milyong calamity fund ng lalawigan matapos na masalanta ng bagyong Pedring at Quiel.

Ang panawagan ay ginawa ni Teofilo Rivera, isang dating bokal at kasalukuyang chairman ng BCCI kasunod ang pahayag na karapatan ng mga Bulakenyo na mai-detalye ang mga pinagkagastahan.

Napabalita na may mga barangay sa mga bayan ng Calumpit, Hagonoy, Paombong, Pulilan at Obando na nasalanta ng bagyo ang hindi naabutan ng relief goods mula sa pamahalaang panlalawigan at ang mabagal na distribusyon nito.

Kinuwestyon din ni Rivera ang umano ay hindi maagap na pag-dedeklara ng “State of Calamity” ng pamahalaang panlalawigan.

“Ano ang naging problema? Nasaan ang calamity fund?” pagtatanong ni Rivera.

Gayundin hiningi ni Rivera na iulat sa mga Bulakenyo ang breakdown ng ipinamahaging relief goods sa bawat barangay matapos na iulat ng kapitolyo na P32 milyong halaga ng mga bigas, kape, de-lata at gatas ang naipamahagi na umano sa mga biktima ng baha.

Dapat na magkaroon ng report ang Tanggapan ng Punong Lalawigan, Provincial Treasurer’s Office, Budget Office at Accounting Office sa publiko upang maging transparent.

“Wala namang dapat ikatakot sa pagsasapubliko kung lehitimo ang paggasta,” pagdidiin ni Rivera.                  (JAB)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.