Calamity fund, kinakapos na

INIHAYAG NI Budget Secretary Butch Abad na kinakapos na ang pondo para sa calamity at contingency fund ng pamahalaan dahil sa sunud-sunod na kalamidad sa bansa.

Sinabi ni Abad na kabilang sa mga ginagastusan ng gobyerno ay ang mga biktima ng bagyong Pablo, Santi, Zamboanga siege at lindol sa lalawigan ng Bohol at Cebu.

Samantala, iginiit ni Abad na dahil sa pangangailangang matustusan nang sapat ang mga naapektuhan ng kalamidad sa bansa ay hindi maiiwasan ng Palasyo na kumuha ng pondo mula sa savings ng pamahalaan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.