Cai Cortez, ratsada pa rin sa pagpo-promote ng “Ang Babae sa Septic Tank 2” kahit kabuwanan na

Cai Cortez

Cai Cortez

Nine months nang buntis si Cai Cortez sa asawang Tunisian na nakilala niya sa Tinder (isang online dating network).

Almost 4 years na ang mister niya sa ‘Pinas bago niya ito nakilala at naging magkarelasyon sila. Dito sa Manila nagwo-work ang mister niya, bago sila nag-eyeball (read: nag-meet up in person).

After ilang meetings ng dalawa, oks na at nag-propose na ng kasal ang boyfriend niya sa kanya. Ganu’n lang kabilis.

Kaya nga nang mag-decide ang dalawa na magpakasal, naging instant din ang desisyon nila.

“Biglaan lang. Kami-kami lang. Lahat kapamilya ko,” tsika ng komedyante ng pelikulang “Ang Babae sa Septic Tank 2” na pinagbibidahan ni Eugene Domingo at Jericho Rosales sa direksyon ni Marlon Rivera na isa sa walong official entry sa 2016 Metro Manila Film Festival na mapanonood na sa darating na Sunday, December 25.

Aminado si Cai na preggy na siya nang mag-desisyon siyang magpakasal sa kanyang boyfie.

Kaya nga nang mag-asawa siya, natanggap na niya na magbabago talaga ang buhay, na ang priority na niya ay ang mister at ang magiging anak nila.

“Dahil kasi party girl ako; pero now, less na ang paglabas-labas ko dahil may mister na ako,” kuwento ni Cai sa amin.

Isang baby boy ang magiging baby nila ng mister na kahit malaki na ang kanyang tiyan at any moment ay magluwal na siya, ratsada pa rin ang comedienne sa pagpo-promote ng pelikula nila nina Uge, Jericho, at Kean Cipriano.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.