Cai Cortez, bilib sa AlDub

Cai Cortez

Cai Cortez

 Tiniyak ni Cai Cortez na kikiligin ang fans nina Maine Mendoza at Alden Richards sa pelikulang “Imagine You & Me” na showing na ngayon.

“Ay, naku! Sabihin mo nga lang ‘yung pangalang Alden and Maine, kinikilig na ang fans nila! Ano pa kaya ‘yung napakagaling nilang umarte rito! Plus, hindi lang sila patawa, acting talaga.

“So, as fan of Alden and Maine, nakapa-proud na makitang naggo-grow sila in front of your eyes. ‘Eto, may movie na sila and matatawag mo silang actors,” saad ni Cai Cortez.

Grabeng excitement daw ang naramdaman niya nang nalamang kasali siya sa movie ng sikat na love team.

“Actually the whole time na sinabi sa akin na may movie… kina Mr. (Tony) Tuviera nga, hindi ko po alam kung sino ang kasama ko. Nalaman ko na lang noong nag-storycon at nakita ko sila.

“‘Tapos, doon nag-sink-in na, ‘Oh, my gosh! AlDub!’ ‘Tapos ay movie talaga nila, kaya na-excite talaga ako of course. Because this is the AlDub. Talagang nagma-mark sila as love team of our generation talaga. So, it will go down in history at matatandaan talaga ng mga kahenerasyon namin.”

Dagdag pa niya, “Noong nakatrabaho ko na sila, nakagugulat dahil kahit alam mong sobrang sikat nila at sobrang ‘It’ couple, totoong tao pa rin sila. Sobrang down to earth, sobrang makatao.

“‘Tsaka kumbaga kapag parang pagod na pagod ka na, talagang nagchi-cheer sila sa isa’t isa at sa mga tao sa paligid nila. Ang gaang katrabaho, walang kabigat-bigat kaya ang sarap ka-work. And in fairness ang pinakatumatak sa akin was, sobrang gentle nilang tao at hindi sila mareklamo, ganyan. Noong antok na antok na kami at parang wala nang energy, si Maine talaga ‘yung parang bumubulwak ‘yung energy.

“Hindi ko alam kung saan po siya humuhugot, parang sinasapian, ganoong level. Parang mayroong mga twelve na kaluluwa pong nasa loob ni kapatid sa dami ng energy niya. Kaya nakatutuwa, ang sarap pong katrabaho.

“Tapos si Alden din ay walang reklamo, go lang nang go, smile lang palagi. Kahit patulog na, naka-smile pa rin, e,” mahabang esplika pa ng comedienne.

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.