CAFGU, patay sa ‘My Way’

IPINAGPALAGAY NA nainis ang hindi nakikilalang lalaki sa sintunadong pagkanta ng “My Way” ng isang miyembro ng Civilian Auxillary Geographical Forces Unit (CAFGU) kaya naman binaril ng una ang huli sa loob ng videoke bar noong Sabado ng gabi sa Surigao del Norte.

Ayon kay Caraga PNP Spokesperson Supt. Martin Gamba, kinilala ang pinaslang na si Christian Jacob, 25, walang asawa ng Purok 1, Brgy. Balite, San Francisco, Surigao del Norte, miyembro ng 23rd IB Detachment na nakabase sa Brgy. Caglina-e, Malimono.

Dakong alas-9:20 ng gabi ng mangyari ang krimen sa isang videoke sa bahagi ng Purok-1, Brgy Balite, San Francisco.

Kapapasok lamang umano ng biktima sa hindi na pinangalanan pang videoke bar at agad kumanta ng killer song na “My Way”.

Hindi umano ito nagustuhan ng tatlong lalaki na nakaupo sa isang lamesa kung saan walang sabi-sabi na agad pinagbabaril ang noo’y kumakanta pang biktima.

Matapos ang pamamaril ay agad na umalis ang tatlong suspek sakay ng 2 motorsiklo.

Nakuha naman sa crime scene ang 14 empty shell ng ‘di na tinukoy pa na bala ng baril.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng PNP ukol sa pagkakilanlan ng mga suspek.

(E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.