Cafgu, Patay sa Ambush sa Negros Oriental

PATAY ANG isang Cafgu matapos tambangan ng apat na mga salarin sa lalawigan ng Negros Oriental.

Kinilala ang biktima na si Dante Quilanan, 29-anyos, residente ng Kanlaon City, Negros Oriental ngunit naka-assign sa Cafgu detachment sa Brgy. Montilla, Moises Padilla, Negros Occidental.

Ayon kay Moises Padilla PNP chief Insp. Robert Mansueto, papauwi na ang biktima sakay sa motorsiklo nang ito ay harangin ng apat na mga suspek ng 9mm at .45 caliber pistol at saka pinaulanan ng bala sa area ng Sitio Kambairan, Brgy. Trinidad, Guihulngan City.

Anim na tama ng bala, dalawa sa ulo ang tinamo ng biktima na naging sanhi ng kaniyang agarang kamatayan.

Patuloy pa rin sa pagsisiyasat pa ang mga kinauukulan upang matukoy ang motibo at mga salarin sa nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.