Cafgu, Kritikal sa Pananambang

KRITIKAL ANG isang Cafgu member matapos itong paulanan ng bala ng tatlong armadong kalalakihan sa islang-lalawigan ng Catanduanes.

Kinilala ang biktima na si Recto Pulido Jr. na nakadestino sa Iyaw Detachment sa bahagi ng Brgy. Iyaw, Caramoran.

Base sa impormasyon na ipinaabot ni P/Supt. Renato Bataller, ang tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 5, naka-off duty ang biktima nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang mga kalalakihan na pinaniniwalaan naman na mga miyembro ng rebeldeng New Peoples’ Army (NPA) sa bahagi ng Brgy. Bilabiga, parehong bayan.

Samantala,agad naman itong naidala sa Datag Hospital ngunit kinailangan na ilipat sa Eastern Bicol Medical Center dahil sa kritikal nitong kondisyon matapos na magtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat  ng mga kinauukulan upang matukoy ang mga salarin.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.