CAFGU, Ginunting ng Ka-Live-In

HINDI NA umabot nang buhay sa ospital ang isang miyembro ng CAFGU makaraang saksakin gamit ang isang gunting ng kanyang mismong live-in partner sa munisipyo ng Gutalac sa Zamboanga del Norte.

Nakilala ang biktima na si Bereno Samuyag Bandal, 52, naka-assign sa detachment ng 13th Special Forces ng Philippine Army na nakabase sa Gutalac ng nasabing lalawigan.

Batay sa isinagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad, bago nangyari ang insidente, masayang nag-iinuman ang biktima at ang kanyang live-in partner na nakilalang si Aranilda Galela Taypen, 42.

Makalipas ang ilang oras ay nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang live-in partners dahil na rin sa tama ng alak.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo ay kumuha ng isang mahabang gunting ang salarin saka sinaksak sa tiyan ang biktima.

Mismong ang detachment commander na si Pfc Nino Aquino ang nagdala sa suspek sa istasyon ng pulisya.

Isinugod naman ang suspek sa Labason District Hospital dahil napag-alamang nagtamo rin ito ng ilang sugat at bugbog sa katawan dahil nagawa pang lumaban ang biktima bago niya ito tuluyang nasaksak.

Sa ngayon, nakadetine na sa selda ng Gutalac Municipal police station ang suspek na mahaharap kasong pagpaslang sa kanyang live-in partner.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.