Cadet Cudia, itinakwil ng cadet corps

NAG-UMPISA NANG rebyuhin ng Philippine Military Academy (PMA) ang kaso ng na-dismiss na si Cadet Aldrin Jeff Cudia dahil sa paglabag umano sa “Honor code”.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Military Academy (PMA) spokesperson Maj. Agnes Lynette Flores.

Ayon kay Flores, naibalik na sa kanila ang case booklet ni Cudia na una nang ipinadala sa General Headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa approval sana ni AFP chief General Emmanuel Bautista.

Inihayag ni Flores na dumating kamakailan sa PMA ang case folder ni Cudia kung saan nirerebyu  at pinag-aaralan na ito.

Sinabi rin ng opisyal na walang timeframe sa muling pagsisiyasat sa kaso ng kadete.

Nilinaw naman ni Flores na ang inihaing reklamo ni Cadet Cudia laban sa 9-member committee na bomoto sa pagkaka-dismiss nito sa serbisyo ay ibang kaso kung saan isa rin ito sa binibigyang-pansin ng PMA.

Napag-alaman na ang Honor Committee ay binubuo ng 25 cadets na kumakatawan ng iba’t ibang klase mula sa iba’t ibang lebel.

Tiniyak din ni Gen. Bautista na mabibigyan ng due process si Cudia kaugnay ng nasabing kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.