CA, sumunod sa hiling ni Delfin Lee

PINIRMAHAN NA ng tatlong mga mahistrado ng Court of Appeals (CA) Special 1st division ang kautusan na pumapabor sa “writ of habeas corpus” na hiniling ng kampo ng kontrobersyal na negosyanteng si Delfin Lee na president ng Globe Asiatique.

Nabatid na ang “writ of habeas corpus” ay nilagdaan nina Associate Justices Manuel Barrios, Stephen Cruz at Normandie Pizarro.

Hinggil dito, inasahang maglalabas ng pormal na kautusan ang korte na nag-uutos sa PNP at NBI na dalhin at paharapin sa appellate court si Lee bukas, dakong alas-10:00 ng umaga.

Sa naturang kautusan ay pagpapapaliwanagin ang mga nagdakip sa negosyante at ang may kustodiya sa kaniya lalo na sa legalidad ng pagkulong sa real state magnate.

Napag-alaman na sa ilalim ng Revised Rules of Court, ang “writ of habeas corpus” ay ipinalalabas ng hukuman sa mga kaso ng illegal confinement o illegal detention.

Si Lee ay kasalukuyang nakapiit sa Pampanga jail mula sa Pampanga NBI detention cell.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.