BYE, ELNELLA: Pelikula nina Elmo Magalona at Janella Salvador, iniwanan ni Direk Jun Lana!

Janella Salvador as a mermaid in My Fairytail Love Story

ISA SA INAABANGANG pelikula for 2017 ay ang movie nina Janella Salvador at Elmo Magalona para sa Regal Films na My Fairytail Love Story. Sa simula pa lang ay may malaking clamor na sa tambalang ElNella (Elmo-Janella) na magkaroon ng sarili nilang film project mula nang mabuo ang love team nila sa telebisyon.

 
Maganda ang konsepto ng pelikula. Mala-Dyesebel na Pinoy version, pero ang may nakapagsabi more of the Hollywood film na Splash na mermaid story ang peg ang kuwento na kung tama ang alaala ko ay launching movie ni Daryl Hannah in 1984 ang pelikula.
 
Excited si Direk Jun Lana (of the film Barber’s Tale, Bwakaw, Die Beautiful, etc.) sa proyekto.
 
Bagets ba naman ang ididirek niya at ang pelikula ay pang-bagets din ang market. Pang-millennials, ika nga. Saktong ito ang target market ng loveteam.
 
Madami ang excited nang mag-first shooting day sina ElNella sa Zambales. Excited ang fans ng dalawa dahil matagal na nilang inaasam-asam na magsama ang dalawa sa pelikula na sa kanila mismo naka-focus.
 
Kaso heto’t ang latest: Si Direk Jun, iniwanan ang pelikula na hindi pa tapos at halos wala pa sa kalagitnaan. Nabitin.
 
Ang mga fans nangamba. Syempre pelikula yun na inaabang-abangan nila na nagka-problema.
 

ELNELLA: Elmo Magalona and Janella Salvador

Pero si Direk Jun, dahil sa kabisihan ng schedule niya at hindi na mag swak sa schedule ng dalawang bida decided na bitawan ang pagtatapos ng pelikula.

 
Sa pagbitaw niya as direktor ng project, inihabilin naman niya kay Direk Perci Intalan (na life partner niya); at partner sa kanilang Idea First Film Production ng pelikula nina Janella at Elmo.
 

No harm,  ‘ika nga. Go na go pa rin ang project. Walang magbabago!

 

Sa online interbyu namin kay Direk Perci sabi niya: “Exciting turn of events! From
the start kasi pareho kami ni Jun na excited about the project. Kaso di magtugma skeds ni Jun at nina Janella at Elmo. May ginagawa pa kasing movie ang ElNella now.
 
“Nakasingit lang kami ng 4 days na mga eksenang nasa dagat. Pero now may
project si Jun na dini-develop na kailangan niyang mag-stay sa Europe for almost a month. Pagbalik niya, sina ElNella naman ang may commitments abroad. So napaisip kami, paano ang gagawin ? Sabi ni Jun, what if ako na lang daw mag-direk.
 
“Anyway na direk ko na si Janella nung kinuha ako ng Disney to direct yung
music video niya for Moana na viral na viral ngayon with 24 million views. Baka daw mas destined kami to work together. So inisip ko nang husto and finally I decided na ganung ka excited ako sa project, so, go!!!”
 
Sa katunayan, ang sirena photo ng dalaga was taken during their shooting last
March na si Direk Jun pa ang in-charge.
 
Pagbabalita pa sa amin ni Direk Perci na may 20 shooting days pa sila na
tatapusin.
 
Habang isinusulat namin ito ay nasa preparation sila (Direk Perci as director)para
sa pagre-resume ng shooting na magsisimula naman sa July.
 
Ang “My Fairtail Love Story” ay intended na isali para sa MMFF 2017 sa
December.
 
Bukod sa mermaid movie na ito ng dalaga ay my isa pa sila ginagawang pelikula
ni Elmo,  ang “Bloody Crayons” na produce naman ng Star Cinema. Isang horror movie ito at makakasama ng dalawa ang mga bagets stars ng Star Magic  tulad nina Julia Baretto, Joshua Garcia, Ronnie Alonte, Diego Loyzaga at Sofia Adres sa direksyon ni Topel Lee.

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.