Buy one-take one ang tiket: SARAH GERONIMO, FLOP ANG CONCERT SA US?!

HOW TRUE NA flopsina ang concert ni Sarah Geronimo sa US?

Usap-usapan sa isang umpukan sa showbiz na hindi na masyadong kinagat ang show ng Pop Star. Mahina na raw ang benta ng kanyang concert ticket at hindi raw napuno ang venue na kanyang pinagtanghalan.

Ewan kung tama ang nasagap naming tsika na sa kagustuhan daw ng producer na maubos ang tiket ay nagpasya raw itong mag-buy one, take one para maka-attract ng mas maraming buyer.

True ba ito? Pakisagot nga.

AYAW PA RING aminin ni Jolo Revilla na nanliligaw siya kay Melissa Ricks.

“Basta ang masasabi ko, magkaibigan kami, magkakabarkada kaming lahat. Friendship is all I can offer right now. Magkakasama kami lagi. At kung lumalabas kami, hindi kaming dalawa lang. Basta ang masasabi ko, ‘andito lang naman ako para sa kanya,” esplika ni Jolo sa thanksgiving party ng parents niyang sina Congresswoman Lani Mercado at Senator-elect Bong Revilla.

Is he courting Melissa?

“Siya na lang ang tanungin ninyo. Nanliligaw? Hindi pa naman nanliligaw. Ayoko namang pumasok sa isang relasyon. Basta, kumbaga humahanga ako sa kanya at alam niya ‘yon.”

Sinulot daw niya ang dalaga kay Jake Cuenca?

Hindi, walang ganoon. Walang sulutang nangyari. Wala rin naman ako sa posisyon para gawin iyon. Ang lakas naman ng loob ko.”

ININDYAN PALA NI KC Concepcion si Jericho Rosales sa first date sana nila sa sinehan.

“Dati, niyaya ko siyang manood ng sine pero sabi niya, “Paalam ka kay Papa”. Nagpaalam naman ako kay Sir (Gabby Concepcion). Sabi niya, “Go, enjoy”. Hindi naman niya (KC) ako sinipot,” pambubuking ni Echo sa presscon ng I’ll Be There.

“Hindi siya natuloy kaya imbes na manood kami ng sine, nag-perform na lang ako sa concert for the Ondoy victims,”

Klinaro ni Echo na ang movie invite kay KC was “a friendly thing”.

“Siyempre, ano lang. Kasi siyempre dati nali-link kami. I was just trying to get to know her, honestly.”

Pero inamin niyang naisip din niyang ligawan si KC.

“Siyempre, meron. Siyempre, papasok sa isip mo. Nu’ng time na ‘yon tinutukso pa kami ng mga friends namin. Medyo hindi umabot sa ano.”

GAMIT NA GAMIT si Angel Locsin ng kampo ng nagbabalik-showbiz na si Cogie Domingo.

Halatang iritado na nga si Angel sa panggagamit sa kanya sa publicity para lamang paingayin ang wala nang career na si Cogie.

Sa isang interview, kinuwestyon ni Angel ang timing ng paglitaw ng balitang naging magdyowa sila. “Ang tagal na no’n at hindi naman talaga naging kami. Bakit ba nila ipinipilit? At saka bakit ngayon lang lumabas?” say ni Angel.

Oo nga naman. Nakakaloka talaga, mag-ingay lang, manggagamit ng isang nananahimik ang isang artista.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleAktor na kinuhang host, tatanga-tanga?!
Next articleTanging Ina! (Pokwang-Melai Cantiveros)

No posts to display