‘BUY BUST’ ni Anne Curtis, madugo ang naging proseso!

Anne Curtis

MADAMI palang pinagdaanan sa paghahanap ng magiging bida ng pelikulang Buy Bust na produced ng Reality Entertainment nina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde bago ito napunta kay Anne Curtis na inaabang-abangan na maipalabas sa Pilipinas come August 1.

Bago napunta kay Anne ang project, inilako pala ng tambalan Erik at Dondon ang project nila sa iba’t ibang mga film outfit para makapaghanap sila ng maging bida sa all out action film.

Madugo ang proseso ng paghahanap ng bida sa role. Who would expect na isang Anne Curtis ang magiging bida sa project na very feminine at fragile at “maarte” ang imahe?

Nang i-offer ni Vincent del Rosario of Viva Films ang talent nila na si Anne Curtis: “What do you think of Anne Curtis for that role?” Sagot ni Direk Erik: “She’d be perfect for it,” and the rest is history.

Based on trailer na napapanood ngayon ng publiko na naglalabasan, mala-Lara Croft or mga bida sa mga hardcore action ang ginawa ni Anne sa movie.

Buy Bust cast members Arjo Atayde, Anne Curtis and Brandon Vera with Direk Erik Matti

She’s not the Aya character in the romance movie Sid & Aya or her real-life character kapag nagho-host siya ng noontime show na It’s Showtime na pa-kikay-kikay.

Nang tanungin namin si Direk Erik tungkol kay Anne ay bilib siya sa pagiging propesyonal ng aktres sa towards her job.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.