Buwis sa X-Mas Bonus, Ipinaliwanag ng BIR

IPINALIWANAG NI Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares ang mga bubuwisang bonus o additional compensation na matatanggap ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay Henares, walang kakaltasing buwis sa mga empleyadong makakatanggap ng bonus na hindi lalagpas sa P30,000.

Sakali aniyang lu-magpas sa P30,000 ang bonus na matatanggap ay iba-bracket pa muna para malaman kung ilang porsyento ang ibabawas na buwis dito.

“Up to the amount of P30,000, exempted po siya pero pag um-exceed po siya sa P30,000, taxable na po siya. ‘Yung P0.01 hanggang P30,000 [na bonus], exempted po yun pero P0.01 above P30,000 [and] all the way up, taxable na ho yun,” ani Heneres.

Inihalimbawa naman ni Henares ang taxable income na P500,000. Kung ito aniya ang sahod ng isang empleyado ay pasok siya sa 32% bracket o 34% ng kanyang bonus ay ikakaltas sa matatanggap niya.

Samantala, hindi naman bubuwisan ang minimum wage earner na makakakuha ng bonus ngayong Kapaskuhan.

Sinabi pa ni Henares na ang pagbubuwis ay base sa lump sum o pinagsama-samang bonus na makakuha ng isang empleyado.

“Separate 13th month and other benefits, ila-lump sum mo lahat, ito-total mo lahat aside from your basic compensation,” dagdag pa ng opisyal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.