Buwis sa Alak at Sigarilyo, Dapat May Classifications

IMINUNGKAHI NI Sen. Edgardo Angara ang pagkakaroon ng classsifications sa pagpataw ng excise tax sa alak at sigarilyo sa ilalim ng isinusulong na Sin Tax Bill.

Sinabi ng senador na may mga magkakaibang interes ang mga stakeholder dahil may mababa at mahal na presyo ang alak at sigarilyo kaya’t dapat aniyang depende sa classifications ang pagpataw ng buwis.                                                                                                                                 Nabatid na base sa Senate Bill 2763 at 3249, ang ipapataw na excise taxes sa alak ay susumahin base sa alcohol content bawat litro habang ang excise taxes sa sigarilyo ay ipapataw sa bawat pakete nito.                                                                                                                                                 Ang nasabing panukala ay kapwa naglalayon na taasan ang buwis sa mga alak at sigarilyo sa pamamagitan ng tinatawag na unitary taxation system at hindi ibinabatay sa pres-yo nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.