Buwelta ni Raymart Santiago sa mga magulang ni Claudine Barretto:
“Alam n’yo ang totoo at tulungan n’yo ang anak n’yo.”

SINAGOT DIN ni Raymart Santiago itong huling paratang sa kanya ni Claudine Barretto nang magsampa ito ng kasong paglabag sa Rep. Act 9262 o Anti-Violence Against Women ang Children laban sa kanya.

May mga ipinakitang litrato si Claudine na nakapaloob sa affidavit nito na may mga pasa siya at mga sugat na sanhi raw ng pambubugbog ng aktor sa kanya.

Sabi ni Raymart; “Eh nu’n pa naman kasi sinasabi niya na magpa-file siya ng VAWC, so hinihintay naman namin at pinaghahandaan na namin ‘yun. May pang-sagot naman kami du’n.”

Dagdag pang pahayag ng aktor, “Puwede naman niyang sabihin lahat, lalo na mahilig siya sa media. Mahilig siyang magpa-interview, puwede namang ibato niya sa akin lahat ang gusto niyang ibato. Pero totoo ba ‘to?”

Kaya haharapin daw nila itong isinampa ni Claudine sa kanya, kaya lang nami-miss na nga raw ni Raymart ang mga anak nila na hanggang ngayon ay hindi pa niya yata nakikita. Kaya nagpu-post ito sa Facebook account niya na nami-miss niya sina Sabina at Santino.

Hindi pa natin alam kung ano ang mangyayari dahil naghi-hearing pa rin sila ng kaso kaugnay sa custody ng mga bata.

Nu’ng Biyernes nga, nag-hearing na naman sila at si Raymart lang ang sumipot dahil may allergy raw si Claudine.

Kaya roon nasagot ni Raymart ang iba pang mga sinabi ni Claudine at ang matitinding pahayag ni Mommy Inday.

Pagdating sa mga sinabi ni Mommy Inday, sagot ni Raymart: “Siyempre kakampihan nila ang anak nila. Pero ang totoo n’yan, alam naman nina Mommy at Daddy ang totoong nangyari, eh.

“Alam n’yo ang totoo at tulungan n’yo ang anak n’yo.”

Ewan ko lang kung magsasalita naman ang Mommy ni Raymart. Pero tahimik lang ang pamilya nila kaya si Raymart na lang ang humaharap sa tulong ng mga abogado niya.

 

Rocco Nacino, ‘di makaporma kay Lovi Poe dahil kay Jake Cuenca

 

NGAYONG LINGGO na pala ang final episode ng Mundo Mo’y Akin at papalitan na ito ng bagong drama series ng GMA-7, ang Akin Pa Rin ang Bukas na pagbibidahan ni Lovi Poe.

Si Rocco Nacino ang partner dito ni Lovi na mukhang na-develop na nga sa kanya.

Tingin ko nga nanliligaw si Rocco kay Lovi, pero meron kasing Jake Cuenca na ang latest naman narinig ko nagkakalabuan na sila ni Lovi.

Pero nagkaroon daw ng insidenteng nagpang-abot sina Rocco at Jake sa condo unit ni Lovi at nagkaroon daw ng tensyon. Pero itinanggi ito ni Rocco at si Lovi naman ay parang wala namang alam.

Feeling ko lang iniiwasan na nilang pag-usapan pero mukhang may bahid ng katotohanan.

Kaya lang mukhang malabo naman si Rocco kay Lovi, kaya sinasabi lang nilang friends lang talaga sila.

Anyway, tingnan na lang natin dahil kasisimula lang nitong Akin Pa Rin ang Bukas. Kaya baka magkadebelopan din at mauwi sa magandang relasyon.

Siyempre halos araw-araw silang magkasama sa taping kaya malaki talaga ang chance ni Rocco.

Abangan na lang natin ang pilot episode nito sa September 9.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Buwelta ni Raymart Santiago sa mga magulang ni Claudine Barretto:
“Alam n’yo ang totoo at tulungan n’yo ang anak n’yo.”

  1. Tama si Raymart Mommy Inday… tulungan nyo si Claudine she is soooooo sick ! yun na lang ang pwede nyo magawa bilang magulang… matagal na at madami tao na ang may alam ng attitude ng anak nyo.. don’t let her suffer like that forever..

  2. ang cute ni Raymart. Mukha siyang mabait…Baka siya ang ginugulpi ni Claudine at sinasangga lang niya and mga buogbog ni Claudine…

  3. Kung may GABRIELA para sa mga inaaping babae, dapat lang na may BONIFACIO para naman sa mga lalaki. Para naman matakot yung mga babaeng gumagawa lang ng istorya.

  4. Ang sorah ang raymart n to nasa sinumpuan nio yan my skit plabket di ikaw ang tumulong s asawa mo  ginaganyan nio pa ikaw n dapat karamay  ang xiang lalong nag lulubog sa kabigak mo  

Leave a Reply

Your email address will not be published.