Buwelta ng Kampo ni Kiram: ‘Sa Halip na Tulungan, Binantaan Kami’

SINISI NAMAN ng kampo ng Sultanato ng Sulu ang gobyerno sa lumalang tensyon sa Sabah, Malaysia na ikinamatay ng 15 katao kabilang ang 12 Pinoy, dalawang Malaysian police at isang residente.

Sinabi ng tagapagsalita ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III na si Abraham Idjirani na sa halip na maglahad ng mapayapang solusyon ay pananakot pa ang ginawa ng emisaryo ng gob-yerno sa katauhan ni ARMM Acting Gov. Mujiv Hataman tulad ng umano’y pagsasampa sa kanila ng kaso.

Inakusahan naman ng anak ni Kiram na si Princess Jacel Kiram ang Palasyo na binabale-wala sila ng pamahalaan kung saan pilit pa umanong pinasusuko ang mga tauhan sa Sabah na walang kondisyon para maresolba ang krisis.

Pinanindigan naman ni Raja Muda Agbimuddin Kiram na siyang namumuno ng nasa 200 tauhan sa Sabah na 10 lamang ang nasawi mula sa kanilang grupo, apat ang nasugatan habang nasa 10 ang hinuli.

Sa kabila ng madugong pangyayari, pinanindigan ng mga Kiram na mananatili ang kanilang tauhan sa kinaroroonan nito sa Sabah at hindi sila aalis hangga’t walang solusyon ang pamahalaan ng Pilipinas at Malaysia sa kani-lang inaangking teritoryo sa nasabing lugar.

Mula nang maganap ang magudong sagupaan kamakailan, wala na umanong nangyaring ekuwentro, ba-gama’t sinabi ni Raja Muda na may natatanggap silang impormasyon na anumang oras ay muling lulusob ang Malaysian police.

Samantala, nakatakda namang maghain ng petition ang Sultanate of Sulu sa United Nations Human Rights Commission laban sa umano’y paglabag sa kara-

patang pantao ng mga Malaysian police tulad ng pagpigil ng pagkain para sa kanilang mga tauhan at ang paglaglag ng mga surrender flyers na anil’y indikasyon ng pagsalakay ng Malaysian forces.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.