Buwayang si Lolong, ‘Ambassador for Crocodile Conservation’

NANINIWALA ANG Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) na dapat igawad sa buwayang nahuli sa Bunawan, Agusan del Sur na si “Lolong” ang  titulong “Ambassador for Crocodile Conservation” lalo na kung madedeklara itong pinakamalaking buwaya na nahuli sa buong mundo.

Ayon kay PAWB director Theresa Mundita Lim, makikipagpulong siya sa alkalde ng Bunawan na si Mayor Edwin Elorde upang pag-usapan si Lolong na may 21 talampakan at isang pulgada o 6.4 metros ang haba.

Makakatulong umano si Lolong sa pagsuporta sa Crocodile Specialist Group (CSG).

Samantala, sinabi rin ni Dr. Grahamme Webb, chairman ng CSG, na malaking tulong si Lolong sa pag-unlad at pag-aalaga upang magkaroon pa ng mga buwaya sa Pilipinas na kung saan sentro ng mga turista.

Nakatakdang magsagawa ang CSG nang 21st Working Meeting sa bansa na may temang “Crocodilians in a Changing World.”

Ito ang unang beses na magho-host ang Pilipinas sa katulad nitong aktibidad na pinangungunahan ng Crocodylus Porosus Philippines, Inc., National Museum at Department of Environment and Natural Resources. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.