Buwanang Sahod ng mga Bus Driver at Konduktor, Tuloy na Tuloy na

TULOY NA tuloy na nga ang implementasyon ng pagbibigay ng buwanang sahod sa mga bus driver at konduktor. Ito ay ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Baldoz.

Sa harap ito ng pagbawi ng Korte Suprema sa status quo ante na pumipigil sa pagbibigay ng fixed salary sa mga driver at konduktor ng bus.

“Itutuloy na namin nga-yon ‘yung pag-iimplement,” ani Baldoz.

Bagama’t pumabor sa kanila ang huling desisyon ng Kataas-taasang Hukuman, tiniyak ni Baldoz na magbibigay pa rin sila ng komento alinsunod na rin sa hinihingi ng Korte.

“Dito sa bagong order, ipina-defer nga ‘yung issuance ng status quo ante order at binibigyan kami ng 10 araw para kami ay magbigay ng comment doon sa prayer ng temporary restraining order (TRO). So gagawin namin ‘yun, ang Office of the Solicitor General (OSG) ang magre-represent sa Department of Labor and Employment (DOLE).In the meantime, tuluy-tuloy ang pag-i-implement namin ng Department Order 118,” dagdag ni Baldoz.

Ikinatuwa naman ng kalihim ang hakbang na ito ng Korte Suprema dahil naipapakita lang nito na patas ang hudikatura dahil nagsusulong ng magandang reporma ang pagkakaroon ng fixed salary scheme sa mga bus driver at konduktor.

Mainam din aniya ito dahil tila nababale-wala ang mandato ng ahensiya nang bigla na lang itong ipatigil ng Korte Suprema.

Una nang pinigilan ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng nasabing kautusan matapos maghain ng pagtutol ang Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP), Southern Luzon Bus Operators Association, Inc. (SOLUBOA), Inter-City Bus Operators Association (INTERBOA) at City of San Jose Del Monte Bus Operators Association (CSJDMBOA). (PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.