Butuan City, Nasa State of Calamity

ISINAILALIM NA sa state of calamity ang lungsod ng Butuan matapos pagtibayin sa regular session ng mga opisyal kasunod ng malaking danyos na hatid ng ilang araw na walang tigil na pag-ulan dahil sa dalawang sunud-sunod na low pressure area na hu-magupit sa isla ng Mindanao nitong nakalipas na linggo.

Base sa assessment ni Butuan City Mayor Dr. Ferdinand Amante Jr., mahigit kumulang sa P3 milyon ang pinsala na naitala sa imprastraktura na mas malaking halaga kaysa sa agrikultura.

Iniulat naman ni city councilor Virgilio Nery Jr., sumang-ayon ang mga miyembro ng konseho sa inihaing Sangguniang Panglungsod resolution number 100 series of 2013 na nag-dedeklara sa siyudad na ilagay sa state of calamity.

Dahil dito, inaasahan na mas mapapadali na ang pagresponde sa mga kailangan ng mga nabiktima ng baha lalo na ang pondo na kukunin naman mula sa 30 porsyento sa limang porsyentong calamity fund ng city government.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.