Butuan City fire deadline hanggang ngayon na lang

 

HANGGANG NGAYON na lang, Mayo 14, ang palugit ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo para bigyang-linaw ang nangyaring sunog sa Butuan City na ikinasawi ng 17 katao.

Kasunod ito ng pagbisita ni Robredo sa nasabing lungsod at personal na siniyasat ang trahedya.

Nais ng kalihim na  panagutin kung sino ang nagkulang kung bakit umabot sa nasabing bilang ang nasawi nang masunog ang Novo Shirt and Jeans Enterprise noong Miyerkules.

Nag-abot na ng tulong-pinansyal ang lokal na pamahalaan sa mga kamag-anak ng mga stay-in employees ng Novo mall na na-trap sa nasusunog na gusali.

Pinahahanap na rin ni Robredo ang may-ari ng Novo mall para magpaliwanag kung bakit hindi ito sumunod sa fire safety procedures ng BFP.

Una nang napaulat na hindi agad nakatakas sa sunog ang mga stay-in sale ladies dahil naka-lock umano ang kanilang kuwarto. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.